Lumipas ang halos isang oras na labanan...

"Salamat sa pag tulong niyo, akala ko ay dito na ako mamamatay." hingal na sabi ni Kelvin ng sa wakas ay maubos na nila ang mga kalaban. Pagod na sumalampak siya ng upo sa lupa,hindi pa siya nakuntento, humiga siya at ipinikit ang mga mata.

"Walang mamamatay sa atin, Kelvin. Lalabas tayo sa gubat na ito at tatalunin pa natin ang mga black witch." seryosong sabi ni Trevor.

"Akala ko lang naman." salo kaagad ni Kelvin na nakahiga parin.

"Gamutin niyo na ang mga sugat niyo, ang babagal niyo kasing umiwas." singit na pang-aasar ni Hermione sa kanila. Siya kasi ang pinaka-kaunti ang sugat sa kanilang tatlo.

"Ikaw na ang mabilis." sarkastikong sabi ng dalawa.

"Mabilis talaga ako." nakangising sagot ni Hermione.

Nagpahinga sila ng mahigit isang oras. Hindi nila magawang matulog o umidlip manlang kahit na gustong-gusto ng pumikit ng mga mata nila dahil sa mga naririnig nilang kaluskos, lalong-lalo na si Hermione. Alam nilang nasa paligid lang ang mga black witch, nakatago, nagmamasid at naghihintay ng magandang tyempo para atakihin sila.

"Sino sa inyong dalawa ang nagpakawala ng ipinagbabawal na hangin?" nandidiring tanong ni Hermione. May naaamoy siyang mabaho kaya naman tinanong niya na agad ang dalawa.

"Umutot? Aba! Hindi ako nautot!" mariing pagtanggi ni Trevor at nilingon si Kelvin. "Baka si Kelvin. Kanina pa yan kain ng kain, magbawas ka nga muna doon."

"Hoy! Hindi ako umuutot! Makapagbintang kayo ah." depensa naman ni Kelvin. Muling suminghot sa hangin si Hermione, nandoon parin ang mabahong amoy at patindi ng patindi ang amoy nito.

"Kung hindi sa inyong dalawa, kanino o saan nanggagaling ang mabahong amoy na iyon?" takang tanong ni Hermione. Nakiamoy na rin ang dalawa. Maging sila ay naaamoy na rin ang sinasabi ni Hermione na mabahong amoy.

Nalukot ang noo ni Trevor. "Teka, parang may natatandaan ako tungkol sa mabahong amoy na yan." sambit niya habang hinihimas-himas ang baba. Pinilit niyang alalahanin ang tungkol sa mabahong amoy. Nang maalala niya ay awtomatikong napatayo siya.

"Natatandaan ko na! Umalis na tayo dito! Mamamatay tayo!" naguguluhan man ay tumayo na rin si Kelvin at Hermione.

Papaalis na sana sila pero hindi nila iyon nagawa dahil sa nakapalibot sa kanilang mga black witch, at hindi lang basta black witch ang mga nakapalibot sa kanila, ang mga nakapalibot sa kanila ay ang mga pinakamalalakas na kawal ng black witch.

Gumawa ng dalawang malaking bolang hangin si Trevor at isinuot iyon sa ulo ni Hermione at Kelvin. "Para hindi nyo malanghap ang mabahong amoy. Kapag nalanghap natin ng nalanghap ang amoy na iyon ay mamatay tayo." paliwanag niya.

Gumawa rin siya ng para sa kanya at isinuot ito. Kahit na air mage siya ay malalason parin siya ng mabahong amoy na iyon dahil humahalo ito sa hangin at hindi niya ito maaalis.

Nag simula ng umatake ang mga kawal ng kalaban. Higit na mas marami ito kaysa sa kanila pero alam nilang kaya nila ang mga ito. Sapat na ang mahigit isang oras nilang pagpapahinga para bawiin ang lakas nila, kahit tatlo lang sila ay mataas ang kumpyansa nila na sila parin ang mananalo.

Lampas isang oras ng nakikipaglaban ang tatlo, natatanaw na nila ang papasikat na araw ngunit hindi pa rin nauubos ang mga kalaban dahil imbis na mabawasan ay nadadagdagan pa ang mga ito. Marami silang napapatay pero mas marami ang dumadagdag.

Hindi ba sila nauubos? Bakit napakarami nila? Sabagay, buong kaharian ng black witch ang kalaban nila kaya hindi imposible ang napakaraming bilang ng kalaban.

"Konting tiis nalang. Kapag naubos na namin ang mga ito ay lalabas na kami sa gubat na ito." sabi nila sa kanilang sarili. Pagod na pagod man ay lumalaban parin silang tatlo.

Atake rito, atake roon. Iwas dito, iwas doon. Ilang itim na mahika na rin ang direktang tumatama sa kanila pero tanging sugat lamang ang epekto nito sa kanila, salamat sa spell na inilagay ni Kelvin sa katawan nila.

Mataas na ang sikat ng araw ng matapos sila sa pakikipaglaban. Sugatan at nanghihina na silang tatlo pero pinilit nilang bumangon sa pagkakahiga at sumandal sa isang malaking puno.

Tinignan ni Kelvin ang runes na nasa kamay niya, sila na lamang ang natitirang buhay sa lahat ng mga lumahok sa kompetisyon. Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat na maramdaman niya. Kung matutuwa ba siya dahil sila ang nananalo o lalong magagalit sa mga black witch dahil sa dami ng bilang ng mga wizard na namatay.

"Tayo nalang ang natitirang buhay, tayo ang nanalo sa kompetisyon." pagod na pagpapaalam niya kina Trevor at Hermione.

"Nagawa nating manalo, buhay pa rin tayo hanggang ngayon kahit pa na maging ang mga black witch ay kinalaban tayo. Sa dami ng kinalaban nating mga black witch, siguradong kakaunti nalang ang bilang nila sa kanilang lugar." sabi naman ni Trevor.

"Nagawa nating matalo ang halos hindi mabilang na mga kawal ng black witch, paniguradong makakaya natin ang mga natitira pang kalaban. Pero sa ngayon, mag pahinga muna tayo. Bawiin muna natin ang mga lakas natin bago tayo sumugod sa lugar nila." hindi man sumagot si Trevor at Kelvin ay sang-ayon naman sila sa sinabi ni Hermione.

Napangiti ang dalawang lalaki ng makita nilang may lumulutang na mala-bulang tubig sa harapan nila, galing iyon kay Hermione. Ang mga pag-kain at tubig kasi nila ay nawala sa gitna ng kanilang pakikipaglaban kaya kahit gusto nilang uminom o kumain ay hindi nila magawa.

Sa ngayon ay tubig lang ni Hermione ang mailalaman nila sa kumakalam nilang tiyan, kailantan na makahanap sila ng pagkain dahil hindi iyon sapat.

Nag linis din sila ng katawan nila gamit ang tubig ni Hermione. Nang medyo wala na ang pagod nila ay naghanap sila ng prutas na makakain. Kahit na nakailang inom sila ng tubig ay kumakalam parin ang sikmura nila sa gutom, kaya naman ng makakita sila ng puno ng saging na may bunga ay tyinaga na nila ito kahit na ito ay hilaw pa.

"Pwede na ito, kaysa naman malunod tayo sa kakainom ng tubig ni Hermione. Tyaga-tyaga nalang muna, saka na ang nilaga." komento ni Trevor na nakapagpatawa sa kanilang tatlo.

Idinaan nalang nila sa pagtawa ang pagkain ng mapakla na medyo may kapaitang hilaw na saging. Tama si Trevor, tyaga-tyaga lang muna. Matapos nilang kumain at saglit na pagpapahinga ay napagpasyahan na nilang lumabas ng gubat.

Nakalabas na sila ng gubat ngunit muli na naman silang lumalaban. May mga nakaabang na black witch sa labas ng gubat at talagang hinihintay ng mga ito ang pag labas ng tatlo.

Hindi tumagal ang pakikipaglaban nila dahil kumpara kanina ay mas determinado na sila na tapusin ang pag hahari ng mga black witch. Nanalo sila sa kumpetisyon kahit na hindi patas ang laban dahil sa mga black witch, ngayon pa ba sila hindi magiging determinado?

Kailangan naming pabagsakin ang mga black witch. Kailangan naming mapalaya ang mga bayan na sinakop nila. Kailangan naming iligtas ang mundo. Iyan ang tatlong bagay na nakatatak sa utak nila. Walang kahit isang bakas ng takot o pag-aalinlangan sa mga mukha nila. Lahat ng mga sumasalubong na black witch sa tatlo ay walang hirap nilang napapatumba. At hindi katulad ng kanina sa gubat, ngayon ay pinapaslang na nila ang mga kalaban.

Umabot na sila sa pinaka kaharian ng mga black witch. Tuloy parin ang pakikipaglaban. At habang tumatagal ay papalakas na rin ng papalakas ang kanilang mga kinakalaban. Nang maubos nila ang kumpol ng kawal ay nagkatinginan silang tatlo at sabay-sabay na napatango.

Itotodo na nila ang mahika nila. Hindi na nila pipigilin ang galit na kinikimkim nila hanggang ngayon. Dahil kapag narating na nila ang pinakahuling palapag ng palasyong nasa harapan nila ay matatapos na ang lahat, tatapusin na nila ang pinaka-ugat ng lahat ng kaguluhan: Ang hari at reyna ng mga black witch.

Ang hari at reyna ng mga black witch ay hindi na alam ang gagawin dahil alam nila nahabang papalapit ng papalapit ang tatlong estudyante ay papalapit na rin ng papalapit sa kanila ang kanilang katapusan.

Nagtatalo pa ang mag-asawang magkukulam, nagsisisihan kung sino ang may kasalanan kung bakit may buhay na wizard na mayroong kakaibang mahika. Kung bakit may buhay pa na wizard na nagtataglay ng kapangyarihang pinakamalas sa lahat. Kung bakit may buhay pang wizard na siyang kinatatakutan nila,na siyang tatapos sa kanila.

Nang magkaharap-harap silang lima ay sinubukan pang lumaban ng hari at reyna sa tatlong estudyante pero wala rin itong nagawa. Higit na mas malakas ang tatlo sa kanilang dalawa. Lahat ng ginagawa nilang atake ay baliwala lamang kay Hermione, Trevor at Kelvin.

Duguan na gumapang ang hari at reyna, nagbabakasakali na sa paggapang nilang iyon ay makakatakas sila. At nagsayang lang sila ng pagod, dahil sa isang iglap lang ay nasa harapan na nila ang tatlo.

"Katapusan niyo na." sabay-sabay na sabi ni Hermione, Trevor at Kelvin. Sabay-sabay nilang inatake ng ubod ng lakas na mahika ang hari at reyna na hindi na nila nagawang iwasan. Ang buong palasyo ay halos gumuho na dahil sa lakas ng pag sabog na nangyari.

Tap the screen to use advanced tools Tip: You can use left and right keyboard keys to browse between chapters.

You'll Also Like