Nanay mo yun?

It is a normal day today. Papasok ako sa office para sa internship ko. Pero imbes na naka carpool ako ay papasok ako na kasabay si Zach.

Pinag-usapan namin na walang PDA pagdating sa office dahil ayaw namin ng issue. No holding hands at para lang kaming simpleng workmates. Parang dati lang kumbaga, pero sana wag naman niya akong sungitan dahil papangasin ko talaga yon.

"Ms. Zamora!" Tawag niya sa akin kaya tumayo ako agad.

"Yes, Sir?" Masungit kong sinabi.

"I need my coffee. You know my blend right?"

"Yes, Sir."

Pagkabigay ko sa kanya ng kape niya ay bumalik na ako sa table ko. Pinagpatuloy ko ang pagbibigay ng opinion at observation ko sa mga plano na ginagawa nila sa mga proyekto ng kumpanya.

Hanggang 1pm lang kami dito ni Zach dahil mamaya na ang summit. Maaga kaming pumasok sa opisina. Pero medyo na-late kami dahil nag 'quickie' kami. Alam niyo na meaning non.

"Mag-aayos na muna ako. Dyan ka lang at mahirap mag makeup, Babe." Paalala ko sa kanya habang nasa sala siya.

Nagsimula ako sa paglalagay ng primer sa mukha. Sinunod ko naman ang liquid foundation ko. Ni-blend ko ito gamit ang beauty blender. Nag-lagay ako ng setting powder sa mga areas na importante. Habang nakalagay iyon sa mukha ko ay sinunod ko na ang eyebrows ko.

"Babe! Nagugutom ako." Sabi niya at sabay pasok sa kwarto ko.

"May ch.i.p.s ako diyan at noodles, kain ka na lang diyan."

"Ang tagal mo naman mag-ayos. Miss na kita eh."

"Mamaya na, Babe. Buong gabi mo naman ako kasama mamaya eh. Mag-aayos muna ako."

"Sige, I love you, Babe." Kumindat siya.

"I love you, too." Mahina kong sabi.

"Huh? I can't hear you, babe."

"Oo na! I love you!" Sigaw ko sa kanya kaya napatawa siya.

Nag pressed powder na ako sa mukha at naglagay na ako ng kulay coral na lipstick.

Natapos na rin ako mag makeup ay nagbihis na ako. Bago ako mag-ayos ng buhok ay lumabas ako ng kwarto para sabihin kay Zach na mag-ayos na siya.

"Okay, Babe. Maliligo lang ako." Paalam niya.

Bumalik ako sa kwarto ko at plinantsa ko ang buhok ko. Gusto ko lang ng simpleng hair ngayon. Nag headband ako na kulay puti na may mga perlas sa paligid.

"Babe?! Ready ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Wait lang. Inaayos ko pa yung long sleeve ko."

"Okay, Ready na ako ah. Mag-sasapatos na lang at magsusuot ng alahas."

Kinuha ko yung regalo sa akin ni Daddy na kulay puting perlas na kuwintas. Niregalo niya iyon sa akin nung nag-graduate ako ng high school. Sobrang saya ko nung binigay ni Dad iyon.

Bagay iyon sa pink na fitted silk dress na suot ko na pinaresan ko ng kulay puti kong strap heels.

"Grabe. Wala na akong masabi. Ang ganda mo talaga."

"Thank You, Zach! Ito pala yung suprise mo sa akin ah." Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Pisngi lang? Bakit?"

"Baka kumalat lipstick ko."

Naka-kulay puti siyang long sleeve at pink na suit, pati ang kanyang pantalon ay kulay pink. Naka-ayos ang kanyang buhok. Sobrang gwapo at kisig niya sa slicked-back hair niya.

Magkahawak kamay kaming umalis ng apartment ko. Hanggang sa nakarating kami sa venue ay hawak pa rin namin ang kamay ng isa't isa. Nagulat ako na napaka-rami ng media na narito.

"Miss Adrianna! Can we have a moment with you?" Tanong ng isang reporter sa red carpet.

"Babe? Is it okay?" Tanong ko kay Zach.

Tumango siya at hinatak ko ang kamay niya papunta sa akin nang naramdaman ko na aalis siya.

"We have here Ms. Adrianna Zamora of Zamora Builders from the Philippines. Why did you choose to be an intern here in Rome instead of choosing your family business?"

"Well, I chose to undergo an internship program internationally so that I would be internationally capable when I finally graduate Architecture and besides it's a great opportunity for me to do this."

"Tell us about this man with you. He is Mr. Zacharius Ainsley Buenavidez. He is head of the firm you are working for right now."

"Well, This man with me is my man." I smiled at him.

"And we are both happy, and I am proud of her. She's an amazing woman and she really works hard for her internship."

"Can you tell us more details about it?"

"We have to go inside now. I'll see you guys later." Paalam ko sa media.

Ganoon ang ginagawa ko pag may ayaw akong sagutin na tanong. I'd like to keep my personal life as private as possible.

Ayaw ko lang talaga na nasasabit ang pangalan ko sa pangalan ni Daddy. Gusto ko kasing makilala sa ibang paraan at dahil sa mga pagsisikap ko. Ayaw kong makilala lang dahil anak ako ng tatay ko at isa akong tagapag-mana.

"Hmm, Medyo kasi lagi naman akong iniinterview sa Pinas. Kung hindi tungkol sa business ay tungkol sa mga kalokohan ko."

"Well, Now you're here in Rome, Mas kilala ka na. So I really have to stay by your side all the time."

"I think so and nakita ka na on national tv, Kailangan kasama mo na rin ako palagi. You are handsome, successful, and very kind. Hindi malayong magkaroon ako ng karibal sayo."

"I love you, Adrianna." Sagot niya sa mga sinabi ko.

"I love you, too." Sabay palakpak dahil may nagsalita na harapan.

Marami akong mga mukhang kasing edad dito. Iba ibang lahi ang nakikita ko. Mayroong mga amerikana, latina, at asian. Magaganda silang lahat at magagara ang suot.

Habang nag-iikot kami ay maraming kakilala si Zach. Halos lahat ng nakakasalubong namin ay kilala siya. Kinakawayan, nakikipag-kamay, at niyayakap siya ng mga ito. Karamihan ay mga matatanda at mga boss ng mga kumpanya. Ganoon siguro talaga siya ka-sipag at ka-galing sa trabaho na lahat ay nakikilala siya.

"I want you to meet, Adrianna Zamora. She's my intern and she's from the Philippines."

"Wow! Really? I heard that she got a deal from one of the biggest clients that your company had."

"Well, then, I guess you must be very proud of her. She seems like a smart girl." Puri sa akin ng matandang babae.

"Plus, She's really beautiful. Beauty and brains." Ngumiti siya.

"Thank You, Ma'am."

"You look good together." Dagdag pa niya.

Natuwa ako sa mga sinabi niya dahil napuri ako dahil sa mga efforts ko.

Natapos ang gabi sa isang malakas na palakpakan para sa aming mga interns. Nakakatuwa talaga ang mga naranasan ko dito sa Rome.

"You had fun, Babe?" Tanong niya.

"Yes! Sobrang saya ko." Masayang sagot ko.

"Oo nga pala, Anong name nung babaeng nakausap natin kanina?" Dagdag na tanong ko.

"Ahh, Bakit?"

"Wala lang. She seems so nice kasi eh. Ang warm lang ng dating niya sa akin."

"Talaga?" Tanong niya.

Kinuha niya ang phone niya at may tinawagan. Hindi ko magets kung bakit may bigla siyang tinawagan.

"Hello? Yes. It's Zach. Ma, Ang bait mo daw sabi ni Addie."

"Yes, Ma. Wait, What? Really? Okay sige, I'll tell her. Bye, Ma! I love you."

"N-Nanay mo yun? Yung babae kanina?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo, Gulat ka ano?"

"Oo! Grabe! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Hindi man lang ako nakapagpakilala ng maayos."

"Siya kasi nagsabi dahil gusto niyang malaman paano ka makitungo sa mga strangers. Eh wala, Mabait ka talaga. Gusto ka daw niya makilala."

"W-What? Really? When?"

"Hmm, Dinner daw pero itatanong ko sa kanya kung kailan."

"Okay! Sige! Tell me when, okay?"

"Sa apartment mo uli ako matutulog ah." Paalam niya.

"Okay, Nakainom ka na din kasi at mahirap mag drive pabalik sa inyo."

"Hindi ako lasing ah. Ikaw?"

"I don't get drunk with 3 glasses of wine, Babe." Ngisi ko.

Tap the screen to use advanced tools Tip: You can use left and right keyboard keys to browse between chapters.

You'll Also Like