The Epitome Of Love

Chapter 7 - Kabanata 5

Ikaw na naman?!

"Ready na ba lahat ng gamit mo?"

"Yes, Mommy. Nailagay ko na lahat sa luggage ko. My clothes, passport, visa, doc.u.ments, and all other stuffs."

"I can't believe that my daughter is leaving."

"Mom, Don't say that. You can visit me in Rome once Dad's not busy anymore. Right, Dad?"

"Yes. Basta mag-iingat ka doon and call us whenever you can. Okay?" Paalala niya.

We arrived in the airport in no time. Nilabas nila ang maletang dala ko at hinatid ako papasok ng airport.

"Mag-iingat ka, Anak. Please call us once you get there. Also call us when you arrive in your layover."

"Yes, Mommy. Kayo rin dito."

"Adrianna Teresa Zamora, Wag mo kalilimutan ang mga bilin ko sayo." Paalala muli ni Daddy.

"Yes, Dad."

"Huwag kang gagawa ng kalokohan na makakasira sa pangalan natin, okay? Behave."

"Okay, I'll try, Dad."

"Addie."

"Just kidding, Dad. I have to go and I don't wanna be late in my flight."

"I love you, Mommy and Daddy. I'll see you soon." Niyakap ko sila ng mahigpit. Ayokong umiyak dahil dalawang buwan lang naman ako doon mananatili.

Pumasok na ako sa airport at hinanda ang sarili ko para sa flight ko. Mag-isa lang akong naghihintay dito samantalang ang ibang tao rito ay kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

"It's Adrianna Zamora!" Bati ng isang F.A sa kanyang kasama.

"Ma'am, Can we take a photo with you?" Tanong nila sa akin pagkapasok ko sa eroplano.

"Yeah! Sure." Ngiti ko sa kanila.

Pumunta ako sa upuan ko, pinili nila Mommy ang business class dahil dadagdagan daw nila ang budget ko dahil mahirap na at baka mapano pa daw ako pag may nakatabing ibang tao. May stop-over ako sa China tapos diretso na ang eroplano sa Rome.

"Ma'am, Would you like to order anything?" Tanong ng F.A

"I'll get fish and ch.i.p.s and one glass of white wine."

Nang lumapag na ang eroplano sa China ay kinuha ko na ang handbag ko. Isang bag lang ang dala ko kasi ayaw kong mabigatan.

Habang naghihintay ako para sa next flight ko ay nagpunta ako ng bathroom. Nag retouch ako ng makeup. Nag lagay muli ako ng pressed powder at lipstick.

Nang makakuha ako ng wifi sa airport nag online ako para mag message kila Mommy at Daddy.

Nag check na rin ako ng messages at nakita ko na sina Kelsey ay nag iwan din ng mensahe sa akin.

Kelsey, Trina, and William:

Message ko kayo pagkarating ko ng Rome ah. I'll see you guys soon and good luck to your internship program as well!

Tinawag na kaming mga pasahero. Onting oras na lang at makakarating na ako sa Rome.

Inubos ko ang oras ko sa eroplano para matulog. Nagising na lang ako nang narinig ko ang anunsyo ng kapitan ng eroplano.

Ganon kahaba ang tulog ko sa eroplano? Nagpunta na ako ng lavatory. Nag ayos ako ng buhok at nag lagay muli ng lipstick.

Pagkalabas ko ng immigration ay agad akong kumuha ng picture ko. Yes! For memories! I am finally here in Rome!

Sumakay ako sa taxi para makapunta sa apartment na kinuha nila Daddy. Binigay ko ang address na iyon at buti na lang naiintindihan ako ng driver gamit ang ingles. Kalahating oras din ang biyahe papunta roon.

"Good Morning! I am Adrianna Zamora and I have an apartment rented here."

"Oh, Yes! We have been informed. Let me show you the way, Ma'am."

Mabait ang mga nakakasalubong ko na staff dito. Ang ganda pa ng concierge na nakausap ko.

"Here's your room, Ma'am."

Malinis at maayos ang apartment na ito. Nilibot ko muna ito at nakitang malaki ang espasyo ng apartment na ito. May sala, kusina, kwarto, at terrace.

"Shall you have any questions or if you need anything, You may call using the telephone here."

"Alright, Thank you, Sara!" Sara ang pangalan na nabasa ko sa name plate niya.

Inayos ko na ang gamit ko. Nilipat ko na rin ang mga damit ko sa cabinet. Ang mga personal essentials ko ay nilagay ko na rin sa bathroom. Pagkatapos ko magligpit ay naligo muna ako. Nagbihis ng mas kumportableng damit. Naka kulay puting cropped hoodie ako at nag black na leggings. Naka vans lang ako ngayon para mas kumportable.

Lumabas muna ako para kumain sa isang restaurant. Dala ko lang ay ang phone ko at wallet ko. Nakapagpalit na rin ako ng pera sa airport kanina.

Nag order ako ng isang putahe at nag kape ako. Malalaki pala ang serving ng kape dito, buti na lang at maliit lang ang inorder ko.

Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa apartment ko. Gusto kong bumawi ng lakas para makapasyal pa ako mamaya. Gusto ko rin matutunan kung paano mag commute dito.

Mga hapon na noong nagising ako. Suot ko pa rin ang damit ko kanina. Nag makeup ako at kinuha ang backpack ko na maliit. Nilagay ko rito ang mga kailangan ko.

Cellphone, charger, earphones, lip balm, passport, at kung ano ano pa. Mabuti ng handa, diba?

Pinuntahan ko muna ang mga magagandang lugar dito tuwing gabi. Pagkatapos ay nagpunta ako sa isang bar.

Nag order ako ng inumin at pinili ko ang specialty daw nila. Unang lagok ko pa lang ay gumuhit ito sa lalamunan ko.

Mas nagsaya ako at naisipan na sumayaw. Hindi naman ako gaanong nag walwal. Naka ilang baso na rin ako.

Nag cr ako at nag salamin na rin. Ayaw kong umuwi ng lasing dahil hindi ko pa gaanong kabisado ang lugar na ito. Naisip ko na mag taxi na lang ako.

Naghintay ako sa taxi bay at wala akong masakyan. Naisip ko na magtanong kung nasaan ang iba pang taxi bay dito. Yun nga lang ay hindi ko sure kung maiintindihan ba nila ako.

Tinapik ko ang isang lalaking naghihintay din sa taxi bay.

"Excuse me, Sir. Can I ask something?"

"Yes, What is it?" Tumingin siya sa akin.

Medyo naaalala ko ang mukha ng taong ito. Pakiramdam ko ay nagkita na kami nito dati eh.

"Wait. Have we met before?" Tanong ko sakanya,

"I don't know." Maikling sagot niya sa akin.

"Teka kilala kita! San nga ba yun?"

"IKAW YUN! WAIT, IKAW NA NAMAN???!!!"

Tap the screen to use advanced tools Tip: You can use left and right keyboard keys to browse between chapters.

You'll Also Like